Ang Bagong Pambasang Awit ng Pilipinas
Simula nang nagsimula ang bakasyon, kinaugalian ko na sa umaga na makinig ng radyo. Hindi ko alam kung bakit sa isa sa isang daang tao dito sa Pilipinas lagi nalang ako tuma-timing sa “Pambansang Awit ng Pilipinas” ang Low.
Bieryes, ika-siyam ng umaga pupungas pungas pa… Pagbukas ng radyo, natanggal ang antok ko dahil sa awitin na yan… Pagkatapos ko kumain ng umagahan, naligo ako at umalis patungo sa isang mall. Pagkadaan ko sa isang tindahan doon, hulaan nyo kung ano ang tugtog… TUMPAK, mga kapatid sa pananalig… Yun na nga… Ang Low… Nagtagal naman ako ng ilang oras dahil sa nagpunta pa ako sa paborito ko na internet shop at pagkaraan ng ilang oras nagdesisyon na akong umuwi. Papuntang terminal ng jeep, napamura ako ng malutong sa narinig kong tugtugin. Ulit. Sabay sabay natin sabihin ang titulo ng awitin… Wan… Too… Tree… LOW! Tama! Low na naman… Wala akong nagawa kundi sumakay na para makauwi kaagad.
“Apol, apol. Jeans, jeans… Boots with da FURR
Da hole club was looking at HERR
She SLAMMED at da PLOR next ting ya know
Shawty GOT LOW, LOW, Low, low, low, low…”
Sabado, ika-walo ng umaga, pupungas pungas pa… Pagbukas ng radyo, natanggal ang antok ko dahil sa awitin na yan… ULIT! Pagkatapos ko maligo at kumain ng umagahan. Nagpunta ako sa kabayanan para maglibot pero dahil sa kainitan nagdesisyon ako na mag-internet na nalang… Mga ilang tricycle drivers ang narinig ko na Low ang tugtog na animo’y parang mga customized ang mga sasakyan tulad ng mga pang drag racing… Hindi lang yan, pati sa computer shop na pinuntahan ko pati ang mga tao dun na LSS sa awitin na yun at ilang beses pinatugtog pa talaga at may Chipmunks version pa sila… Muntik na akong napatumbling…
Linggo, akala ko nakaligtas na ako at hindi na naman umeksaktong Low ang tugtog sa radyo… WHEW! Pero may sumpa talaga ang kanta dahil dito naman sa office, ang pinatugtog nung kasama ko ay… SABAY SABAY! Low pa rin…
Ilagay natin ang nating kanang kamay sa ating kaliwang dibdib at awitin natin ang “Pambansang Awit ng Pilipinas”
Kaya ngayong araw na ito, may I declare Low as the new National Anthem of the Philippines…




















































April 14th, 2008 at 8:19 am
low low low… hehehe
hay, ako medyo matagal tagal na ng narinig ko ang kantang yan. di na kasi ako updated sa mga latest songs…
so, di ka naman na-lss sa kantang yan? hehehe…
passing here from wordpress pinoys.
nice blog you got!
take care!
rowjie reply on April 15th, 2008 5:04 pm:
hehehe… dala ka na lang ng sarili mong music player. hehehe… siyempre, wag mo ng isama ang low. hehe…
rowjie’s last blog post..U23D, Etc…