Writhe of the Newly Grad Pt. 2
I declare that today ay Linggo ng Wika. Bakit kamo? Sa mga masugid na mambabasa ng blog ko. Siguro napansin nyo sa simula nung Lunes at hindi ako nagpopost ng kung anu-ano. Bakit?
Lunes.
Kasi nung Lunes ng gabi tinawagan mga alas-diyes ng gabi habang nanonood ako ng PBB Teen Edition Plus dahil gusto ko lang asarin yung sarili ko kapag nakikita ko yung ibang housemates na hindi ko gusto nang biglang tumawag si Pyke. Sino si Pyke? Sa Recruitment department siya ni Kiefer Sutherland. Kung gusto nyo malaman kung sino o kung ano siya, send me a private message. Hehe! Nag-iingles siya na hindi ko na maintindihan yung sinasabi niya dahil pers taym ko na may tumawag sa akin na ganung approach. Sanay na kasi ako na kapag may tumtawag sa akin na numero lang yung nag-aappear e its either wrong number siya na kung sinu-sino ang hinahanap at uulit-ulitin pa ang paghanap na hindi nga iyon ang number. Basta sabi niya pumunta daw ako bukas sa opisina nila ng alas diyes ng umaga. E si kabado na ako kasi por the beri pers taym mawawala na ang pagkavirgin ko sa pag-aapply ng trabaho. Hindi na ako mapakali nung gabing yun kasi hindi ko alam yung mga dapat kong gawin o yung mga dapat kong iwasan gawin. Wala akong alam tungkol sa kumpanyang iyon dahil ipinagpasa lang ako nung kaibigan ng Mama ko sa anak niya na nagtatrabaho na dun. Basta sabi niya, call center lang daw yun, sa Makati. Hindi niya alam yung pangalan ng kumpanya at kung saan yun kaya nawala ako sa wisyo sa mga pinagsasabi nung Pyke.
Martes.
Nakatulog naman ako. Mga ala-una na nga yun ng umaga. Nag-alarm ako ng alas-singko kasi gusto ko magkaroon ng sapat ng oras para maligo, mag-ayos, makakain ng umagahan at maka-iwas sa traffic. Nagising ako bago mag-alas singko. Pagkamulat ko ng mata. Kabog na kaagad ng dibdib ko ang naramdaman ko. Para siyang nagmumura sa sobrang kabog. Bumangon ako at nag-init ng tubig panligo. Wala lang. Feel ko lang wag warm bath sa kalagitnaan ng summer. Ang tagal ko yatang naligo nun, mga 30 minutes yata yun. Nag-yoga pa ako sa loob ng cr. Nyahaha! Biro lang. Nag-ayos na ako. Ayoko ng idetalye dahil nakakapagod at ang tagal ko ring nag-ayos. Hahaba lang lalo. Pinagluto ako ni Mama ng masarap na agahan na hindi ko rin naappreciate dahil sa sobrang kaba. Hindi ko naman pwedeng tanggihan ang umagahan dahil siyempre masama yun at magagalit yun at baka hindi pa ako payagan umalis. Umalis ako mga 6:30AM na yun. Nakasakay na ako sa bus mga 7:05AM yata yun. Umasa pa kasi ako na may bus diretso sa Makati, yun nga lang hindi na ako nakaabot. Ok lang. Sumakat nalang ako ng bus papuntang Ortigas. Natraffic nga ako e. Lalu na dun sa Makati na. Asa pa, kelan ba hindi naging traffic dun? Nakarating na ako ng 9:48AM. Malapit na ako mahuli. Pumunta pa ako sa MiniStop para bumili ng tissue at takbo sa McDonalds para mag-ayos. Ang pangit naman kung pupunta ako dun hindi maayos. Mahalaga para sa akin ng first impression. Pagkarating ko sa taas. Nagtanong ako sa receptionistang lady guard. Natulala ako sa kanya. Nung sinabi ko palang na “Excuse me.” nagma-epal na yung guard at nagdialogue na straight english with accent. Hindi ko maalala yung sinabi niya ay ayoko rin i-absorb. Sinuka kaagad ng sistema ko yung pangyayari. Basta ang sinabi ko nalang sa kanya. “I am looking for Mr. Pykes. He asked to come here because I am scheduled to take the exam.” Binigyan niya ako ng piece of paper at isulat ko daw yung pangalan ko, yung contact ko at yung purpose at umupo muna ako sa waiting area. Inagawan ko ng upuan yung umalis at walang nagawa yung katabi niya kung tingnan ako. Ako naman, nagpanggap na walang alam at parang walang nangyari. Binigyan niya ako ng application paper na magfill-up daw ako. Mga ilang saglit lang, tinawag ako nung isang babae galing sa office ni Kiefer Sutherland. Initial interview na pala yun. Pangit sa tingin ko yung naging performance ko. Tinanong ko nga siya pagkatapos nun e. Sabi niya, ok naman daw. Naunahan kasi ako ng kaba at siyempre para sa mga pers taymers, weird tingnan yun kausap mo na Pilipinong Pilipino ang itsura pero kung magsalita parang nagparetoke ng boses. Basta sabi niya, hintayin ko nalang daw na tawagin yung pangalan ko. Maka-ilang saglit tinawag ako ng isa pang tao doon. Sabi niya wriiten exams na daw. Pinaiwan lahat ng gamit namin sa guard na ballpen lang and dapat naming dala. Lima yata kami dun. Dingo ako sa exams dahil mahirap. Pakiramdam ko nga may dayaan e, kasi yung katabi ko na lalaki ang bilis natapos pati sa essay mga 15 minutes lang yata siya o 10. Weird yun kasi puro Math yung sa analytical tapos yung essay gumawa kami ng sanaysay na kung ano yung mga qualities namin na would qualify for the position na kelangan at least 150 words. Na kapag hindi namin nabuo ang 150 words na yun hindi na nila i-eentertain yung application namin. Nabano ako bigla. Naubusan ng adjectives sa katawan. Hindi ko na binilang kung ilang words yung naisulat ko kasi sa isang tingin palang hindi na siya aabot pa sa 150. Hindi ko naman pwedeng isuko yun dahil ang layo pa ng pinangalingan ko para lang sumuko sa exams. Lumabas na ako pagkatapos para hintayin ang resulta ng pagsusulit na naganap. Pinaglunch muna kami sa sinabing bumalik ng alas-dos makuha ang resulta at kung sino man ang papasa ay kukuha na naman ng pagsusulit sa lenguwahe. Ang tagal namin naghintay. Tumawag na nga yung hinihintay at inaasahan ko na kwento ko sa inyo sa The Struggles of the Newly Grad Pt. 1, pinapapunta nila ako sa Miyerkules ng 11:15AM, may butal pa talaga. Hindi nasunod ang alas-dos. 4PM na ako natawag. Naiinis na nga yung iba dahil kanina pa sila dun. Mas nauna pa sa akin pero wala pa rin ang resulta nung sa kanila. Tinawag ako bigla nung Nigel. Nagulat ako at pumasa pa pala ako sa examination na yun. Nabuhayan ako ng loob. Ok naman si Nigel kausap. Madami lang siyang tanong na parang pinanghihimasukan na ang buhay ko. Ako na talaga ang nagtatapos ng usapan at iniiksian ko na yung sagot ko.
Kaya ayun.
Nakatanggap ako ng papel.
Alam nyo na ibig sabihin nun.
Ano ang nangyari nung Miyerkules? Abangan.



















































