Linggo ay Para sa The Buzz
Ano ba ang nangyari sa Linggo ko?
Nagising ng mag-aalas diyes ng umaga. Nagtext ang kaibigan kong si Diane at may problema daw siya. Oo, problema nga iyong sinabi niya kasi apektado siya ng krisis - hindi krisis pang ekonomiya kundi schedule crisis sa plano naming beach ng barkada. Siya kasi ang nagpaplano, ngayon ko lang din pala nalaman na pangarap din pala niyang maging eventologist. Nyahaha!
Diane: ”I like it!”. (Expression niya yun.)
Nagising ako sa text niya.
Diane: Mare.. I hav a problem.
Andrew: The swimming?
Diane: Yes. Tatamaan ang 10.
Andrew: E di gawin nalang nating 11-12.
Diane: E kung 8-9.
Andrew: Itanong mo sa kanila.
Hindi ko na alam yung nireply niya, kung nagreply nga siya sa isang phone ko. Nagtoothbrush na ako at naghilamos. Tiningnan ko kung ano yung pwedeng makain sa bahay. Akala ko may corned beef pa kasi nung napatingin ako sa trash can namin, may lata ng corned beef. SARAP-sana. Kaso mukhang naubusan ako. Wala na e… Pero ok lang.
Umalis nalang ako at nag-internet. Plano ko na kasi yun nung Sabado kaso hindi natuloy kasi may naging bisita ako. Masaya nga e kasi nakita ko sila ulit pagkatapos ng mahabang panahon.
Nag-internet nalang ako. Nasa listahan ko na kasi ng gagawin ang pag-update ng limang Friendster accounts, MySpace, Eskwela, pati na rin ang mga e-mail adds ko. Ayokong mapanis sila - in short ma-expire.
Ilang oras ko rin ang ginugol ko dun ah… Pero ok lang. Ang dami ng friend requests at spam mails. Nakakainis.
Nagtext si Diane dun sa dala ko na cellphone.
Diane: C erna hndi pde.. Ako ang klngan mg-adjust.
Andrew: (Dedma)
Busy na ako at tulala sa monitor habang nagbabasa ng mga blogs. Nakapukaw ng atensyon ko yung isang site ng artista. Ayokong banggitin kung sino siya dahil baka hindi nyo na ito tapusin basahin at magpunta nalang kayo dun para maki-tsimis. Haha! Naging stalker ako for today at naghanap ako ng mga artistang nagboblog. Nakakatuwa lang yung mga pinagsusulat ng iba. Yung iba dun na nagclaclarify ng mga issue nila sa showbiz. Yung ibang pa-comedy sa tv seryoso sa pagboblog. Naguluhan tuloy ako kung ano ba talagang genre siya. Nyahaha! Yung iba, sila na pala, hindi pa lumalabas ang tsismis sa tv. WHOA!
Ang dami kong natutunan ngayong araw. Isa na dun na totoo pala yung time flies when you’re having fun, pangalawa hindi naman pala masama makasagap ng tsismis. Tulad nalang ng katabi ko, nagpapractice sila ng chatting skills nila sa Yahoo Messenger.
Uwi na nga ako. Mahal na babayaran ko dito. At para na rin mareplyan ko na si Diane. Hehe!




















































April 27th, 2008 at 9:07 pm
Andrew,
First, thanks sa fave, you’re nominated this week for our $5 NFA rice give-away hehehe! Vote on the sidebar!
Reynz
reyna elenes last blog post..Winner of the $5 NFA Rice this week?
April 27th, 2008 at 9:09 pm
teka… tsk! tsk! tsk! kilala ko ata lahat nong nasa FLESH mo? pati na yong mga nasa buddies mo? ba’t wala ako? magkano ba yan? HAHAHAHA!! charing lang! kelangan ko bang mag-hubad para makalista dyan? sabihin mo lang! Kahit tumulay nang alambre gagawin ko! hehehe!
reyna elenes last blog post..Winner of the $5 NFA Rice this week?
April 28th, 2008 at 8:33 pm
hello..
kapag wala rin akong magawa, nagbo-browse ako ng blogs ng mga artista.. para updated diba? hehe. ^_^
goodluck sa pagpa-plano nyo ng swimming. parang ganyan din kami ng barkada ko..
eventologist — i like that word.. hehehe..
nga pala, add din kita sa blogroll ko. ^_^ tc!