Happy LABORthday!
Today is May 1. Late na, I know at malapit na na mag May 2. Gusto ko lang magpasalamat sa mga bumati sa akin. Birthday ko at ako ay 21 years old na. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Gossip Girl sa isa nyang episode. “B is a year older but not necessarily wiser…” Napaisip ko bigla at nagtanong sa inner monologue ko, “Am I wiser now?”. I know I am not B because I am A so I guess the answer is YES! Nyahaha!
Madaming bumati sa akin. Nagpapasalamat ako kasi madaming nakaalala. Sila yung malalapit sa puso ko dahil hindi lahat ng kaibigan ko alam o natatandaan ang May 1 sa kadahilanan na nung highschool pa kami may isang chalk board na talagang pinapaganda ng SDCC na hindi ko na maalala ang ibig sabihin basta ang silbi nila e pagandahin ang klase. Yun yung gallery ng mga birthday celebrants for every month. Sila yung kinakantahan at yung tipong binibigyan ng importansya dahil baka magpaparty sila para sa klase o sa barkadahan. Kaya igagalang ka por da whole day para siyang Holiday mo. Yun nga lang parang lang yung sa kanila hindi tulad ng sa akin, holiday talaga, hindi ko na kailangan i-announce pa na walang pasok dahil wala naman talaga at hindi ko na rin kelangan i-announce pa na double pay dahil talagang doble naman ang bayad mo sa araw na yun. Nyahaha! Yun yung isang dahilan kung bakit walang masyadong nakakaalam ng birthday ko dahil kahit kailan hindi naman nailagay sa ang pangalan ko sa board na yun. Kahit nung elementary. Tama na nga at baka isipin nyo nagdadrama ako.
Balik na tayo sa mga bumati sa akin. Natutuwa ako kasi may kwento sa bawat pagbati nila.
- Peaches. Bunsong kapatid siya ng sweet kong kaibigan si Ernanie. Malamang kaya niya nalaman na birthday ko ay dahil sa kanyang kapatid. For your information, siya pa ang pinakaunang bumati sa akin, naunahan pa niya ang kapatid niya. 12:01AM.
- Ernanie. Siya na ang pinakasweet ko na kaibigan na nakilala ko. Tawagan namin Sugar. Gaano siya kasweet? Magkakadiabetes ka sa kasweetan. Nyahaha! May surprise nga daw siya sa Sunday sa akin. Ewan ko dun kung ano ang pakulo niya, sabi ko nga sa kanya wag nalang siyang mag-abala. Pakiramdam ko bumabawi lang siya kasi nung birthday niya dati, ang kapal ng mukha niyang sumbatan ako na hindi ko daw siya binati nung birthday niya (nakalimutan ko kasi). Sabi ko sa kanya na ang kapal ng mukha niyang sumbatan ako e kung siya nga nakalimutan niya rin na birthday ko.
- Jenny. Si Mumu Munchkin. Matalik ko na kaibigan rin simula pa ng high school. Kakampi ko sa galaan kahit noong college pa. Umaabsent ako para sa kanila pero hindi sila maka-absent para sa akin. Isn’t that unfair? Kagagaling lang niya ng Bohol. Nagbakasyon sila nung isa pa naming kaibigan. Hindi ako nakasama kasi wala akong budget. Buti na nga at hindi rin ako nakasama dahil ngayon may chickenpox siya. Get well soon!
- Inah. Pinsan ni Antipatika. Siya ang pinakasosyal na bumati. Kasi sinigurado niyang matatanggap ko ang pagbati niya at tinext niya ang dalawang number ko, Smart pa siya at Globe ako. BIGTIME!
- Carissa. Ayaw niyang patawag sa pangalan niyang yun. Gusto niya Ijin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit Ijin, hindi naman related sa Carissa. Ang tagal na niyang hindi nagpaparamdam sa barkadahan namin. Ewan ko dun. Pinagdududahan ko nga na baka may pamilya na siya. Haha! Siya naman ang pinakanakakagulat Chikka pa ang ginamit niya. Explanation pa niya na wala daw sa kanya yung SIM niya nasa iba. Ang weird naman at alam niya ang number ko kung nasa iba ang SIM niya. Ay naku, ayoko ng isipin kung bakit basta binati niya ako. Miss ko na siya. Wala na nga lang chance makipagkita kasi mukhang busy talaga siya. Kung nasaan ka man ngayon Carissa, piso lang magtext kaya magparamdam ka na.
- Ethel. Paano kaya niya nalaman na birthday ko. Pakiramdam ko lang dahil kay Ernanie.
- Junelli. Siguro kay Ernanie din niya nalaman. “Happy Beerday!…”
- Dubby. Malamang lamang kay Ernanie rin.
- Michelle. Tumatawag siya kanina. Hindi ko nasagot at hindi ko alam na tumutunog yung phone ko kakadaldal kay Ernanie sa bus papuntang Manila.
- Jorena. Nagkita na kami sa St Jude, hindi pa rin nakahalata na birthday ko. Kung hindi pa pinaalala ni Ernanie, hindi pa babati.
- Jinna Mariz. Classmate ko nung elementary. Siya yung nang-aapi sa akin nung elementary. Pero mabait na siya ngayon. Subukan niya kaltusan ko siya.
- Joylyn. Bestfriend ko simula nung elementary. Pinakatahimik sa lahat ng mga kaibigan ko. Sa sobrang tahimik niya, talagang mararamdaman mo na may nakikinig sa’yo sa mga hinaing mo sa buhay. Haha!
- Mariel and Ody. Salamat, friend! Sino nagsabi sa inyo ha?
- Danya. Dalawang beses bumati. Nagcomment sa Friendster at nagpatext kay Corinne. Umuwi ka na kasi. Walang kabuhayan dyan sa HongKong. Haha!
- Corinne. Sabi naman sa’yo e, mag-artista ka na e kahit sa The Singing Bee ka na muna sumali. Pero pakiramdam ko lang si Ernanie ang bagay dun.
- Tita Pilar. Mommy ni Antipatika. Siya na ang pinakasupportive na tita sa lahat. Bakit kamo? Tinupad niya ang hiling ko. Binoto niya ako kanina para sa birthday ko. Hehe! Salamat, Tita. Isama nyo ako sa Bulacan!
- Kristine Joy. Kasama ni Jenny sa Bohol. Ang tagal din niyang hindi nagparamdam. Kasi ba naman namisinterpret ng tatay niya yung text ko sa kanya. Haha!
- Ate Bianca. Naku, kay Peaches mo pala nalaman ah… Haha! dahil dyan gawin mo ng BatCom si Peaches.
- Sheryl. Salamat at naalala mo ang kaarawan ko. Sana matupad mo na ang pangarap mong Canada.
- Diane. Kapatid ni Antipatika. Nakakatawa talaga ang bati niya at hindi niya talaga ako binati ng diretso. Paano kamo? “Andrewpelago.. Happy LabOrthday…! Cheeseburger! Gerger! Gerger!” Biruan lang namin yun…
- Afrill. Ang daming winish para sa akin. Nyahaha! Salamat, friend! I miss you too!
- Monna, Jennylyne at Jam. Mga college friends ko na nakakaalam ng birthday ko. Salamat!
- Ate Dhang, Ate Norma at Ate Vilma. Mga katrabaho ng Mama ko. Salamat! Hindi ko na natikman ang luto nyong sopas dahil umalis na ako ng maaga.
- Mama Edna. Salamat sa pagbati at sa pagiging mabait sa amin. Pahinging dollars. Haha! (Sana hindi niya mabasa.)
- Ate Clairene. Miss na kita. Salamat sa pagbati! May nakita ako kanina. Sino siya? Itext mo ako para malaman mo. Nyahaha!
- Aeron. Wala akong pangcheeseburger. Pero nakita ko ang ID mo sa basurahan malapit sa isawan. Ang pangit mo sa picture.
- Sa mga bumati sa Friendster. Thank you! Sila Ate Jenny ng IBM, Dianne Cunanan. Salamat!
- Antipatika. Alam ko naman na hindi mo makakalimutan ang birthday ko. Hindi ka na kilala ng anak mo. Haha! Enjoy mo ang long holiday dyan!
- Cheoc, Bianca, Bernadette at Ate Rara. Maraming salamat sa pagbati. Long time no see na. Sila ang mga humabol sa karera ng birthday ko. Haha!
- Multiply friends, salamat! Kina Keies, Maureen, Jak, Madonnarific, Yummysteaks, Kikkoz, Kenneth Yu Chan, J-jay Michael, Honey 716, Joaqui Tupas, Snoog, Pee3programmer, Nash Inc. and JM. Muli, salamat!
- Bubbles, May 5 na. May 1 pa ang birthday ko. Anong nangyari sa kalendaryo nyo?




















































May 11th, 2008 at 9:02 am
ka-birthday mo si bluepanjeet
May 12th, 2008 at 10:25 am
hehe belated sa ating dalawa. akala ko solo ako sa buong mundo na may birthday ng may 1 hehe nice to know that we are co-birthday boy..
belated.
blueps last blog post..Drawing…