Nakatikim ka na ba ng Virgin?
Hindi pa ako nakakatikim ng virgin sa tanang buhay ko. Kahit isang beses lang. PROMISE! Masarap ba yun? Sabi ng iba, masarap daw…
Nung nasa fiesta kami ng Angat sa Bulacan. Nauhaw kami ng kaibigan ko na si DA sa sobrang init ng panahon kaya dali-dali kaming nagpunta sa pinakamalapit na tindahan upang bumili ng maiinom. Tinanong ni DA yung meron silang C2. Wala na malamig. Kaya nagtanong ako kung ano pa yung ibang meron sila. Sabi nung ale meron silang Coke, Royal, Sprite (name it, they got it)… Una naming binili ay dalawang Coke Sakto kaso naisip din namin yung pinsan niya at si Nita. Kaya bumili pa kami ng dalawa pa. Hinatid ni Diane muna ang unang dalawang Sakto. sabi nung ale sa akin, wala na daw Sakto. Ang nandun nalang na malamig ay yung Coke Zero at Virgin. Ano daw? Virgin? Napipigil na ako ng tawa ko nun dahil ang sama pakinggan ng pangalan. Virgin. With the tagline “Nakatikim ka na ba ng Virgin?”… Wala na akong nagawa kundi yun nalang ang natitirang pantawid uhaw. Bumili pa ng chicha nun at nung babayaran ko na, ilang beses pa inulit ulit ni ale ang mga binili namin lalu na ang Virgin.
Sayang hindi ko man lang natikman ang Virgin, buti pa si DA.



















































