Ang Alamat ng Mayon
Habang nasa kalagitnaan ng orientation ko sa Commonwealth, naisipan kong magtextbrigade sa mga kaibigan ko sa Maynila para palabasin sila sa mga lungga nila. Wala lang, para naman may kasabay ako sa pag-uwi sa Cavite.
Yung isa kong kaibigan na itago nalang natin sa pangalang Ernie. Babae siya.
andrewPelago: San ka?
Ernie: Nandito sa Manila. Kaw?
andrewPelago: Nandito sa Commonwealth. Anong ginagawa mo dyan?
Ernie: Magpapahair spa. Anong oras ang uwi mo? Meet tayo. Saan tayo magmemeet? I miss you. YEY!
ABA! Sabay-sabay na ang tanong. Nalunod ako. Parang gusto ko siyang replyan ng, “. Hindi ka ba unlimited at sunod-sunod ang tanong mo? Nyahaha!”
andrewPelago: Sa TriNoma nalang if you want.
Ernie: O sige. YEY! Mamaya pa ako matatapos dito sa 3PM pa ang appointment ko sa salon.
andrewPelago: Ok.
Maya-maya lang e…
Ernie: Anong ginagawa mo dyan ngayon?
andrewPelago: Wala. Nakikinig sa sinasabi ng mga facililator.
Ernie: Matagal ka pa ba dyan?
andrewPelago: Hindi na. Dalawang topics nalang, tapos hihintayin ko nalang yung releasing ng temporary ids.
Ernie: Samahan mo ako sa Makati, later.
andrewPelago: San dun? Sa Glorietta?
Ernie: Hindi. Sa apartment.
andrewPelago: So wala ng Trinoma?
Ernie: Hindi na.
andrewPelago: Ok. San yun?
Ernie: Hindi ko rin alam e. Samahan mo ako. Hindi ko alam papunta dun at natatakot ako mag-isa.
andrewPelago: Itanong mo kay Joyce kung paano pumunta dun tapos forward mo sa akin yung text. Uuwi ka rin ba sa Cavite?
Ernie: YUP!
andrewPelago: GOOD!
Finorward ang text.
Ernie: San tayo magkikita? Meet tayo half-way?
Sa isip-isip ko lang, kapag dinivide ko yun. Parehas pa kaming mahihirapan…
andrewPelago: Sa Guadalupe station nalang.
Ernie: Ok. Blowdry nalang.
andrewPelago: Dalian mo!
Nakarating na ako sa Guadalupe station.
andrewPelago: San ka na? Nandito na ako.
Ernie: Naghihintay na ako ng train papunta dyan.
andrewPelago: Ok.
Naiinip na ako. Parang naghihintay ako ng balikbayan sa gitna ng init ng araw sa Guadalupe. Hindi ko nga rin alam kung saan yun e. Hanggang sa nagkakitaan na kami.
andrewPelago: ANG TAGAL!
Ernie: SORRY! E kasi. (Hindi ko na naiintindihan yung mga sinabi niya.)
andrewPelago: Haha! (Para kunwari naisip niya na naintindihan ko yung mga sinabi niya.)
Ernie: Paano tayo pupunta dun?
andrewPelago: Hindi ko rin alam e. Basta.
Nung nasa jeep na kami, tinanong ko siya.
andrewPelago: Anong ginawa mo dito?
Ernie: Nagpasalon.
andrewPelago: Salon? Dito pa talaga sa Manila para dumayo ng hair spa?
Ernie: Oo.
andrewPelago: HWAAT?!
Nagkaligaw-ligaw kami dahil medyo sa barkadahan namin, hindi magaling magbigay ng instruction yung iba naming kaibigan. Tatlo
ang Mayon St sa pinuntahan namin. Yung unang Mayon, mali. Nagtanong kami at sabi nung kausap namin. Magbabangka pa daw kami.
HWAAT?! Nanlaki ang mata namin pareho! Joke ba yun? Sabay sibat.
Muntik na namin patusin yung isa pangalawang Mayon St pero wag nalang. Sumakay nalang kami ng tricycle at sinabi namin sa
kanya kung saan. Buti naman at alam niya. Pero ang nakakagulat, 100 ang siningil kay Ernie. HUWOW! Parang may metro.
At long last, nakarating din sa totoong Mayon St. Dahil ang kinakatakot ko baka makarating kami ng Mt. Mayon…




















































July 15th, 2008 at 10:10 am
sadsadsa