GRINer Pastures
Isa sa mga pangarap ko ang mangibang-bansa nung bata pa ako. Gusto ko kasi makasakay sa airplane, maka-experience ng snow, maka-experience naman ng ibang culture at magkaroon ng limpak limpak ng dolyares! Gusto ko yung matutulog ko at kumot ko ang pera. Literal talaga. Pero hindi naman umabot sa sukdulan na kaya gusto kong mangibang bansa dahil sa spam, nakaranas at nakakaranas pa naman ako hanggang ngayon.
Naaalala ko pa noon nung nasa elementary pa ako may isang katrabaho si Mama na dinala siya sa US of A dahil magbabaksyon din si Donya Lucing at siyempre kelan ng aalalay. BIGTIME talaga. EFFORTLESS ang pagpunta sa states parang bumangon lang isang araw at naisip pumunta ng states. Parang batas at Embassy, kung sa bagay, kasi noong mga panahon na yun powerful sila noong buhay pa yung iba nilang kamag-anak. Sabi ko sa kanya pagkauwi nila ipagbalot niya ako ng snow at ulap. SHET! Ngayon ko lang naisip na isip bata nga talaga ako noon.
Pero ngayong malaki na ako. Yung pangarap ng greener pastures e medyo neutral nalang. Ok lang lang na hindi, pero mas okay kung makakaranas pa rin. Magulo ba?
Nung isang araw, kasama ko yung isa kong matalik na kaibigan. Hindi ko na ikukwento lahat basta ang nauwi ang usapan sa pangingibang bansa. May plano sila. Sabi ko pa nga sa kaibigan ko, “SHET! Siguro kapag nandun ako, baka masabi ko ang malupit na dialogue na, “I don’t care about my job Sir! I care about you!”… Pagkatapos pa ng madadamdaming dialogue mo e luluha ka sa pamamagitan ng kaliwa mong mata. Now that’s what I call a Manila Film Festival Moment! CAREGIVER?!
Sabay nagtawanan kami…
Siguro kapag sinubukan ko yun sa employer ko, if ever… Hindi siya magdadalawang isip na taasan ang sweldo ko at baka ipromote pa niya ako bilang isang mayor domo…
Pero here’s da catch, everyone so utang na loob. Please listen…
Pagkauwi ko sa amin after nun, nanood kami ng nanay ko ng telebisyon na hindi ko na maintindihan ang sinasabi ni Kim Chiu dahil ang lakas ng hilik ng tatay ko nang bigla niyang nakwento na nung isang gabi daw sa panaginip niya naghahagulgol daw siya. Talagang hagulgol ang salitang ginamit niya. Tinanong ko siya kung bakit. Sabi niya kasi napanaginipan niya ako ng pumunta sa ibang bansa at sinama ako ng mag-asawa.
Napa-HWAAT ako sa sinabi niya… Sign na ba ito?
Dali-dali ko tinext yung kaibigan ko at kinuwento ko yung napanaginipan ni Mama.
Hanggang ngayon kinukulit ko pa rin si Mama kung sino yung mag-asawa sa panaginip niya kung yung sila ba yun ng asawa niya.




















































May 31st, 2008 at 5:54 pm
sino nga ba yun? hehehe! hindi nya nadescribe?
ifoundmes Last blog post…learn to accept the fact that…
[Reply]