Makati Paranoia
Pagkatapos namin hanapin ang Mayon. Nagtaxi na kami pabalik ng Glorietta dahil mamamatay na kami sa gutom. Napagod ang braso ko kakapara at walang tumitigil sa amin. Kaya napilitan na kaming mang-ambush ng taxi. Si Manong Driver ay pumarada sa isang gasoline station para jumingle. Inabangan muna namin siyang lumabas bago namin siya inaambush. Wala siyang nagawa, nagpagas muna siya at sinabi na wag na daw muna kaming sumakay. Sabi ko…
andrewPelago: Ok lang po, Kuya. Papasukin nyo na kami.
Ernie: Oo nga po, pagod na po kami.
MD: (Buntong hininga…)
Pagkarating ng Glorietta, ang bilis bilis na naming maglakad sa sobrang gutom. Ang ending, sa World Chicken. Pers taym ko at ang sarap. Ang sequel, ako ang kumain ng mga tira ni Ernie. DIET daw siya. Ang sagot ko…
andrewPelago: Ok.
Ako naman kasi e, gutom. Hehe! Hinanap muna namin yung mga relo na katulad ng kay Antipatika at shoes na gusto rin namin. Kaso ang saklap at wala akong nakita. Nakakainis.
Nagyaya si Ernie papuntang Greenbelt 5. Never been there pa daw kasi siya. Saglit lang kami. Nag-ikot-ikot kami sa iba pang stations ng Greenbelt. Nagkwentuhan lang bago umuwi. Ang dami naming napagkwentuhan ang then I realized one thing, tama nga si Girl, INTERRUPTED. The only thing to go sane is to be a little crazy…
Parehas kasi kaming “paranoid” kapag nandun basta kapag nasa Makati.



















































