The Inner Monologue

Hear me as I speak my thoughts aloud.
Subscribe

Archive for the ‘Antics’

Ang Alamat ng Mayon

May 31, 2008 By: andrewPelago Category: Antics No Comments →

Habang nasa kalagitnaan ng orientation ko sa Commonwealth, naisipan kong magtextbrigade sa mga kaibigan ko sa Maynila para palabasin sila sa mga lungga nila. Wala lang, para naman may kasabay ako sa pag-uwi sa Cavite.

Yung isa kong kaibigan na itago nalang natin sa pangalang Ernie. Babae siya.

andrewPelago: San ka?
Ernie: Nandito sa Manila. Kaw?
andrewPelago: Nandito sa Commonwealth. Anong ginagawa mo dyan?
Ernie: Magpapahair spa. Anong oras ang uwi mo? Meet tayo. Saan tayo magmemeet? I miss you. YEY!

(more…)

GRINer Pastures

May 31, 2008 By: andrewPelago Category: Antics 1 Comment →

Isa sa mga pangarap ko ang mangibang-bansa nung bata pa ako. Gusto ko kasi makasakay sa airplane, maka-experience ng snow, maka-experience naman ng ibang culture at magkaroon ng limpak limpak ng dolyares! Gusto ko yung matutulog ko at kumot ko ang pera. Literal talaga. Pero hindi naman umabot sa sukdulan na kaya gusto kong mangibang bansa dahil sa spam, nakaranas at nakakaranas pa naman ako hanggang ngayon.

Naaalala ko pa noon nung nasa elementary pa ako may isang katrabaho si Mama na dinala siya sa US of A dahil magbabaksyon din si Donya Lucing at siyempre kelan ng aalalay. BIGTIME talaga. EFFORTLESS ang pagpunta sa states parang bumangon lang isang araw at naisip pumunta ng states. Parang batas at Embassy, kung sa bagay, kasi noong mga panahon na yun powerful sila noong buhay pa yung iba nilang kamag-anak. Sabi ko sa kanya pagkauwi nila ipagbalot niya ako ng snow at ulap. SHET! Ngayon ko lang naisip na isip bata nga talaga ako noon.

Pero ngayong malaki na ako. Yung pangarap ng greener pastures e medyo neutral nalang. Ok lang lang na hindi, pero mas okay kung makakaranas pa rin. Magulo ba?

(more…)