Ang Bagong Pambasang Awit ng Pilipinas
Simula nang nagsimula ang bakasyon, kinaugalian ko na sa umaga na makinig ng radyo. Hindi ko alam kung bakit sa isa sa isang daang tao dito sa Pilipinas lagi nalang ako tuma-timing sa “Pambansang Awit ng Pilipinas” ang Low.
Bieryes, ika-siyam ng umaga pupungas pungas pa… Pagbukas ng radyo, natanggal ang antok ko dahil sa awitin na yan… Pagkatapos ko kumain ng umagahan, naligo ako at umalis patungo sa isang mall. Pagkadaan ko sa isang tindahan doon, hulaan nyo kung ano ang tugtog… TUMPAK, mga kapatid sa pananalig… Yun na nga… Ang Low… Nagtagal naman ako ng ilang oras dahil sa nagpunta pa ako sa paborito ko na internet shop at pagkaraan ng ilang oras nagdesisyon na akong umuwi. Papuntang terminal ng jeep, napamura ako ng malutong sa narinig kong tugtugin. Ulit. Sabay sabay natin sabihin ang titulo ng awitin… Wan… Too… Tree… LOW! Tama! Low na naman… Wala akong nagawa kundi sumakay na para makauwi kaagad.
“Apol, apol. Jeans, jeans… Boots with da FURR
Da hole club was looking at HERR
She SLAMMED at da PLOR next ting ya know
Shawty GOT LOW, LOW, Low, low, low, low…”

